BUTUAN CITY – Kinokonsiderang harassment ng 16 na mga barangay captain candidates sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte ang pag-disqualify ng Commission on Elections o COMELEC sa kanila para sa Barangay at Sangguniang Kabatan elections ngayong Oktubre a-30.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Paul Reserva, kandidato pagka-kapitan ng Brgy. Poblacion 3, na hindi valid ground ang nakasaad sa resolusyon ng COMELEC 2nd Division upang i-disqualify sila dahil lang sa depekto sa kanilang pagpanotaryo sa certificate of candidacy, base na rin sa kanilang basehan at nai-attach na jurisprudence sa Amora vs COMELEC.
Nilinaw ni Reserva na ang nasabing jurisprudence ay nadesisyunan na ng Korte Suprema na nag-akusa umano sa poll body ng grave abuse of discretion.