Nagkapag-tala ng 16 na bagong kaso ng mga aksidente dulot ng paputok ang Department of Health, ayon sa huling ulat.
Sa ngayon, 28 na ang sumatutal na kaso ng naturang aksidente, ilang araw bago ang pagsapit ng bagong taon. 10 dito ay nadamay lamang sa insidente ng pagpapaputok.
Karamihan ng biktima ay nasa edad 6 hanggang 35. Habang isa lang sa mga ito ang babae.
31 na porsyento ng mga aksidente dulot ng pagpaputok ay nanggaling sa National Capital Region, ayon sa DOH.
“Fireworks use both at or near the home and even at designated areas can still harm even those not lighting them,” pahayag ng ahensya, kaugnay ng 94 porsyentong kaso ng askidente na nangyayari sa bahay o sa kalapit na kalsada.
Nakatala sa Executive Order No. 28 na maaaring magsagawa ng fireworks display sa ilang mga okasyon at competisyon, ngunit papayagan lamang gawin ito sa mga itinalagang lugar ng lokal na pamahalaan, na naaayon sa national standards, rules, and regulations.
Dagdag pa rito, ang community fireworks ay dapat ginagawa nang may gabay ng propesyonal na lisensyado ng Philippine National Police (PNP).
Samantala, nakapaloob naman sa Republic Act 7183 ang pagkontrol ng distribusyon ng mga paputok. Ang mahuling lalabag ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang isang taon, at magbabayad ng multa na Php20,000 hanggang Php30,000
“It is better for professionals at community fireworks displays to do the show, with watchers far away at a safe distance,” payo ng DOH.