Namataan ang nasa 16 na barko ng Chinese maritime militia na nasa blockade position sa Ayungin shoal at Escoda shoal sa West Philippine Sea nitong araw ng Lunes ayon kay US maritime security analyst Ray Powell.
Nanatili din ang China Coast Guard 3303 sa Escoda shoal na sumusubaybay sa nakaangklang BRP Teresa Magbanua ng PCG na nasa lugar sa loob na ng mahigit isang buwan para manmanan ang mga barko ng China na hinihinalang nagsasagawa ng reclamation activities.
Nagdeploy din ng 2 Chinese maritime militia vessels sa timog na bahagi ng Escoda shoal.
Samantala, sinabi din ni Powell na wala itong nata-track na anumang barko ng Pilipinas na kumikilos patungong Ayungin shoal suablit sa tingin ng China mayroong nangyayari.
Binanggit din ni Powell na base sa isang post online hinggil sa monitoring sa disputed waters, nakasaad na posibleng simulan sa lalong madaling panahon ang bagong resupply mission ng PH kasama ang building materials patungo sa Ayungin shoal
Sa ngayon wala pang komento sa naturang usapin ang mga opisyal ng PH.