Ganap nang napapakinabangan ng mga magsasaka ang aabot sa labing anim na proyektong pang-irigasyon sa probinsya ng Bulacan.
Ito ay kasunod ng isinagawang turnover ceremony sa mga irrigation project na nakumpleto ng National Irrigation Administration .
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni OIC Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector at concurrent NIA Region III Manager Engr. Josephine Salazar.
Sa datos ng ahensya, kabilang sa mga proyektong ito ay ang BUSPAN Solar Pump Irrigation Project in Bustos, rehabilitasyon ng Angat-Maasim River Irrigation System (AMRIS) sa San Rafael, ANBUSPA Solar Pump Irrigation Project in Bustos, Alagao Communal Irrigation System (CIS) sa San Ildefonso, Cacarong CIS sa Pandi, Maligaya CIS, at Sibul CIS sa San Miguel.
Sa isang pahayag, sinabi ng National Irrigation Administration na aabot sa 15 irrigators association o katumbas ng 4,466 farmer-beneficiaries ang makikinbabang sa naturang proyekto.
Pinasalamatan naman ng ang mga benepisyaryong magsasaka dahil sa tulong na ito ng NIA .
Anila, ito ay katuparan sa matagal na nilang problema sa patubig at magigi itong daan sa mas malawak na sibol ng pagsasaka.
Kasabay nito ay nagsagawa naman ang ahenay ng isang consultative forum sa mga farmer-irrigators para sa iba pang mga proyekto at programang nakahanay hanggang sa susunod na taon.