-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nadagdagan ng isa ang bilang ng mga gumaling mula sa Covid-19 sa probinsya ng Cotabato sa loob ng 24 oras.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region.

Dahil dito, nasa 16 na lamang ang aktibong kaso sa lalawigan.

Pumalo naman sa 19,973 ang kabuuang bilang ng nga PUMs na totally cleared habang 2,009 naman ang patuloy na naka quarantine/isolated at 36 ang bilang ng mga tinaguriang suspect.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng IATF-Cotabato ang umiiral na health protocols kontra Covid 19.