-- Advertisements --

Dumating na bansa ang 16 ng mga Pilipino na inilikas mula sa Lebanon.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na lulan ng Emirates flight EK 332 ang 16 na mga overseas Filipino workers at lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ang mga ito ay boluntaryong tumugon sa repatriation program ng gobyerno dahil sa pagtaas ng tensiyon sa Lebanon.

Nakatanggap ang mga ito ng tig-P75,000 bilang financial assistance mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at dagdag na P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Sa kasalukuyan ay mayroong 305 na mga OFW ang nakauwi na sa bansa mula Lebanon ng sumiklab ang gulo sa Israel at Hamas noong Oktubre 2023.