-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang 16 na mga pulis na nagbabantay sa Jalaur River Multi-Purpose Project Stage II (JRMP II) sa Barangay Agcalaga, Calinog, Iloilo.
Ang nasabing mga pulis ay nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Cesarey Mestido, municipal health officer ng Calinog, Iloilo,sinabi nito na nagpositibo sa COVID-19 ang isang pulis matapos kumuha ng tubig sa Daewoo Engineering and Construction Limited company kung saan naitala ang mataas na kaso ng virus.
Nang isinailalim sa swab test ang mga kapwa pulis, lumabas na nahawaan ng index case ang 15 pang mga pulis.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing mga pulis.