-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Puno ng sayang bumisita sa Bombo Broadcast Center kahapon ang 16 na mga kandidata ng Mutya Hong Butuan 2024 ilang araw bago ang gaganaping grand coronation night ngayong Mayo a-17 sa City Sports Complex sa Brgy. Libertad nitong lungsod ng Butuan.

Bahagi ito ng mga aktibidad para sa darating na Balangay Festival 2024 na inihanda ng lokal na pamahalaan para kay patron saint Sr. San Jose ngayong Mayo a-19.

Ayon sa isa sa mga kandidatang si Mary Ann Pomoy, isang geodetic engineer, may mga kasamahan silang mula pa sa iba’ng mga lugar ng Mindanao dahil ito ay open pageant.

Na-inspire umano silang sumali upang may tamang platform ang kanilang mga adbokasiya na alam nilang susuportahan ng lokal na pamahalaan ng Butuan.