GENERAL SANTOS CITY – Inilagay muna sa quarantine ang 16 na Nurse mula sa Mindanao at sasailalim sa online orientation bago i deploy sa Cardinal Santos Medical center.
Ito ay matapos dumating ng Manila kahapon ang walong Nurse mula sa Gensan habang tig-apat na Nurse mula sa Zamboangga at Butuan.
Dahil sa sinumpaang tungkulin hindi na nagdalawang isip pa ang mga ito para tulungan na mapagaling ang mga pasyente.
Dahil sa dagdag pwersa ng mga medical workers nagpasalamat ang chairman ng Metro Pacific Hospital holdings Incorporated na si Manuel Pangilinan sa mga ito na nagpakita ng dedikasyon at bayanihan sa patuloy na pagdami ng mga Covid-19 positive sa National Capital Region.
Nalaman na ang nasabing mga Nurse ang nakakompleto sa dalawang dosage ng bakuna bago lumuwas ng Manila.
Nalaman na nuong April 15, 2020 nagpadala din ng walong nurses ang Saint Elizabeth Hospital para idagdag sa mga health care workers sa Cardinal Santos Medical center .