CEBU CITY – Mahigit sa 1,000 mga traditional jeepney drivers ang nagpalista sa isinagawang registration para sa Jeepney Task Force upang makabalik-pasada na ang mga ito.
Nitong nakalipas na Miyerkules ang huling araw ng pagparehistro sa mga traditional jeepneys na isinagawa sa Plaza Sugbo.
Sa darating na Lunes, November 9 naman nakatakdang simulan ang COVID-19 test sa mga aplikanteng nagparehistro.
Samantala, aabot sa 16 na residente ng Brgy. Sambag 2 sa lungsod ang nakabenepisyo sa programa ng City government na tinatawag na Self Employment Assistance Program(SEAP) kung saan nakatanggap ang mga ito ng tig P5,000.
Sa panig pa ng Department of Social Welfare and Services (DSWD), matagal na ang nasabing programa ngunit ibinalik lang nila dahil sa utos ni Labella upang may puhunan at makapagsimula sila ng negosyo o muling makabangon dahil sa nararanasang pandemya.