BAGUIO CITY – Nabigyan nga accreditation ang mga 16 na senior citizens na nagsisilbing tour guides dito sa siudad nga Baguio.
Ayon kay Councilor Betty Lourdes Tabanda, inaprubahan ng Department of Tourism (DOT) ang hiling ng mga senior citizens sa lokal na gobierno ng Baguio City na mabigyan sila ng training para sa pagsisilbi nilang tour guides sa mga turista.
Sinabi niya na pagkatapos ng training ng mga ito ay nabigyan sila nga accreditation at lisensya.
Ipinaliwanag ni Councilor Tabanda na ito na ang pagkakataon upang maibahagi nga mga senior citizen ang kanilang mga natatanging talento.
Ayon pa kay Councilor Tabanda, makakatulong din sila upang maipaliwanag ang mga kwento ng mga tourist destinations dito sa siudad nga Baguio.
Sinabi rin niya na ito din ang pagkakataon para maging aktibo ang mga senior citizen kahit na nasa retirement age-na ang mga ito