ZAMFARA, Nigeria – Mistaken identity umano ang rason sa pagkasawi ng 16 na sibilyan sa military air strike sa Zamfara State sa Nigeria.
Nabatid na ang mga nasawi ay inakalang kabilang sa tinutugis na criminal gangs sa nasabing lugar.
Ayon sa mga nakasaksi, mga miyembro ng local groups ang mga biktima ngunit pawang sibilyan ang mga ito.
Ang kalaban umano ng grupo ay ang notorious armed gangs na responsable sa kidnap for ransom sa kanilang lugar.
Sinasabing tinatarget sana ng pag-atake ng militar ang militant gangs sa Zurmi at Maradun areas.
Aminado naman ang militar na sila ang naglunsad ng air strike sa nabanggit na lugar.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Nigerian Air Force (NAF) hinggil sa naturang ulat.
Nakiramay si state governor Dauda Lawal at iba pang opisyal sa pamilya ng mga namatay.