LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maaaring senyales ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon ang naiulat na 16 na magkakasunod na volcanic earthuakes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PHIVOLCS resident volcanologist Dr. Ed Laguerta, posibleng bumilis ang pag-akyat ng magma papunta sa bunganga ng Mayon kung kaya nagkakaroon ng paggalaw.
Subalit binigyang-diin din ng opisyal na kulang naman ang usok na ibinubuga nito kung kaya maaring manatili na lang ang Alert Level 2 status ng bulkan hanggang sa kumalma na.
Kaugnay nito, nagbabala ang PHIVOLCS sa publiko na iwasan parin ang pagpasok sa 7km extended danger zone ng bulkan upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari lalo pa at pabago-bago ang kondisyon nito.