-- Advertisements --
dolores

Kinumpirma ni AFP spokesperson Col. Ramon Zagala na 16 na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa inilunsad na focused military operations kaninang alas-4:00 ng madaling araw sa Dolores, Eastern Samar.

Sinabi ni Zagala, matindi ang nasabing sagupaan kung saan ginamitan ito ng ground, air and sea operations ng mga tropa.

Nasa 29 na mga high-powered firearms din ang nakumpiska ng militar mula sa kanilang mga kalaban.

Ayon pa kay Zagala, nakatanggap kasi ng impormasyon ang mga sundalo na agad na inaksiyunan.

Dito na natunton ang pinagkukutuan ng mga komunistang rebelde at ang lugar kung saan mina-manufacture ang kanilang mga improvised explosive devise.

Ayon naman kay 8th Infantry Division commanding general M/Gen Pio Dinioso, nagpapatuloy pa sa ngayon ang combat at clearing operations sa lugar.

Sinabi ni Dinioso maraming mga armas ang narekober ng mga tropa at ina-identify na sa ngayon ang mga nasawing NPA.

Nilinaw ng heneral na walang naitalang casualties sa hanay ng militar.

“The encounter started at 4:00 am and a series of firefights lasted until 5:00 pm today. The government troops were responding to information received regarding the presence of Communist Terrorists in their bomb-making hideouts in the area,” pahayag pa ni Gen. Dinioso.