![image 446](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/07/image-446.png)
Agad na inilikas ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga pamilyang nasa low lying areas sa lungsod kasunod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina river ngayong hapon sa ikalawang alarma.
Sa datos, nasa 16 na mga pamilya na ang inilikas ng Marikina Rescue 161 nang dahil sa banta ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa nasabing ilog.
Mula sa naturang bilang siyam na pamilya o 53 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa barangay Nangka, habang pitong pamilya naman ang nasa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.
Kung maaalala, itinaas sa ikalawang alarma ang Marikina river matapos na umakyat sa 16 meters ang lebel ng tubig dito nang dahil sa malakas na buhos ng ulan at malakas na agos ng tubig mula sa mga kabundukan sa lalawigan ng Rizal. // mars