-- Advertisements --

Patay ang 16 katao sa India matapos na sila ay tamaan ng kidlat sa Rajasthan, India.

Ayon kay Shankar Lai Saini, senior disaster management official sa Japur, na tumama ang nasabing kidlat sa Amer Fort kung saan mayroong tower sa lugar.

Natumba ang tore at ang iba ay nasawi matapos matabunan ng natumbang tore.

Kabilang sa nasawi ang mga babae at bata na nasawi na bago pa lamang makarating sa Sawal Man Singh Hospital.

Nailigtas naman ang nasa 11 katao na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.