-- Advertisements --
Aabot sa 16 katao ang patay sa naganap na stampede sa Madagascar.
Naganap ang insidente sa entrance ng isang stadium sa Antananarivo habang isinasagawa ang pagdiriwang ng 59 independence day o ang pagkakalaya nila sa bansang France.
Bukod sa mga nasawi ay mayroong mahigit 100 katao ang nasugatan na agad na dinala sa pagamutan.
Nangyari ang stampede matapos ang pag-alis ni Rwanda President Paul Kagame.
Agad na binisita nina Madagascar President Andry Rajoelina at mga opisyal ng gobyerno ang mga nasugatang biktima na nasa pagamutan.
Ito na ang pangalawang insidente sa stadium dahil noong September 2018 ay 40 na soccer fans ang patay ng magpumilit silang pumasok sa isang soccer games.