-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Na-discharge na ang lahat ng mga persons under investigation (PUIs) sa buong Rehiyon 8 na na-quarantine dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay John Paul Roca, tagapagsalita ng Department of Health (DOH-8), nakalabas na ng ospital ang 16 na mga PUIs sa rehiyon na isinailalim sa quarantine at isolation sa loob ng 14 na araw.

Ito ay matapos na magnegatibo ang resulta ng mga ito sa nasabing sakit.

Dahil rito, sa ngayon ay walang pasyente sa rehiyon na admitted sa ospital dahil sa virus pero mayroong apat na indibidwal na binabantayan sa ngayon ng DOH na posibleng maging persons under monitoring (PUM).

Sa kabila ng magandang balita tungkol sa zero-admitted patient sa Eastern Visayas sa ngayon ay siniguro naman ng health department na hindi sila magpapakampante at patuloy rin ang gagawing mga aksyon upang mapigilan ang pagpasok ng nasabing virus sa rehiyon.