CAUAYAN CITY – Kasalukuyan ang pagpupulong ng 16 na Rehiyon sa Pilipinas patungkol sa Nationwide program ng Department of Agriculture sa Isabela Convention Center, sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Ang programa ay may temang, 2023-2024 Dry Season Assessment and Strategic Planning for 2024 Cropping Season” kung saan lahat ng Rehiyon ay magbabahagi ng kanilang accomplishments noong nakaraang cropping season, at maging ang kanilang paghahanda sa darating na dry cropping season.
Naunang nagprisenta ng accomplishment at plano ang DA Central Luzon at NFA Central Luzon
Sa presentasyon ng NFA Central Luzon, sinabi ng kanilang representative na kaya tumaas ng 30 pesos ang presyo ng dry na palay ay dahil naghahabol sila ng buffer stocks.
Target kasi umano nilang makabili ng 495,000 na bags ng palay.
Ikinabahala naman ng ilang Rehiyon na baka hindi na sila makasabay sa susunod na presyo, at baka dahil sa mataas na presyo ng pagbili ng palay ay mas lalong tataas ang presyo ng bigas.
Samantala sa presentasyon naman ng DA Central Luzon, ay kanilang sinabi na 775,643.63 metric tons ang kanilang naani kung saan ito ay bumaba ng 92,000 metric tons kumpara sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.
Pagpapaliwanag naman ng ahensya, marami umano ang mga nahuling nagtanim at naaapektohan na ng El Niño kaya ito bumaba.
Kaugnay nito, bilang paghahanda sa darating na crop season, ire-reactivate umano ang El Niño Task Force, magkakaroon ng 10-day weather forecast, regular updating ng planting at harvesting reports, at magkakaroon ng Alternative Wetting at Drying materials.