-- Advertisements --

Hinarang ng US State Department ang pagpasok ng 16 na Saudi nationals sa kanilang bansa. Ito ay kaugnay pa rin sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi noong Oktubre.

Inanunsyo ito ni Secretary of State Mike Pompeo matapos kumaharap sa matinding krisis ng administrasyong Trump dahil sa pagtugon nito sa pagkamatay ng nasabing journalist.

Nang dahil dito ay sumiklab ang pagsisiyasat sa human rights record ng bansa.

Naglabas naman ng pahayag patungkol dito ang State Department kung saan inilista nito ang mga indibidwal na itinalaga nila sa ilalim ng Section 7031 o Department of State, Foreign Operations, and Related Programs Appropriations Act of 2019.

Kung saan nakapaloob dito na kung sakaling makakuha ng impormasyon ang ang Secretary of State na may mga opisyal mula sa foreign governments ang may kaugnayan sa korapsyon o
paglabas sa karapatang pantao ay kaagad na hindi pahihintulutang makapasok sa United states pati na rin ang pamilya ng mga ito.