-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 27 15 36 38
PNR train (file photo)

NAGA CITY – Sugatan ang 16 katao matapos mabangga ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang pampasaherong van sa crossing ng riles sa Libmanan, Camarines Sur.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO5), binabaybay ng tren ang direksyong pahilaga ngunit pagdating sa bahagi ng Brgy. Camambugan ay aksidente umano nitong nahagip ang pampasaherong van na minamaneho ni Danilo del Mundo Diokno.

Nabatid na mula sa bayan ng Sipocot ang van at patungo sana sa lungsod ng Naga ng mangyari ang aksidente.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa katawan si Diokno at ang 15 mga pasahero na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.