-- Advertisements --
Sugatan ang 16 na katao sa naganap na pagsabog sa isang apartment sa Gothensburg, Sweden.
Napilitang lumabas sa mga bintana ang mga residente doon matapos na sundan ng sunog ang nasabing pagsabog.
Itinuturong dahilan ng pagsabog ang naging awayan ng mga gang sa lugar.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Nagsasagawa na ang mga otoridad ng imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng sunog at mga nasa likod ng insidente.