-- Advertisements --
CEBU CITY – Parusa ang hinaharap ngayon ng driver ng isang multicab matapos itong sumalpok sa poste ng kuryente sa Cebu City.
Kinilala ang driver na si Charles Rey Dugoy na inaming nawalan siya ng kontrol sa preno ng pampasaherong sasakyan.
Sinubukan daw nitong ihinto sa malapitn sa traffic light ang multicab pero nabangga na nito ang kalapit na poste.
Muntik pa umano itong makasalpok ng ibang sasakyan nang subukang umiwas sa mga ito.
Sugatan ang 16 na pasahero ng multican na agad sinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Ayon kay patrolman Jun Carlo Dy ng Cebu Traffic Patrol Group sinuspinde na nila ang driver’s license ni Dugoy at pagbabayarin ng danyos sa aksidente.