-- Advertisements --
Port of Philadelphia
Port of Philadelphia/ Wikipedia image

Nakakumpiska ng 16 toneladang cocaine ang mga otoridad sa Philadelphia port.

Sinabi ni William McSwain, US attorney ng Eastern District ng Philadelphia, na ito na ang pinakamalaking nakumpiska nilang droga na aabot sa mahigit $1 billion ang kabuuang halaga.

Sabay din inaresto at kinasuhan ang mga crew ng mga barko.

Nakalagay ang droga sa pitong containers na lulan ng MSC Gayane cargo ship na patungo sana sa Europe.

Ang pagkakakumpiska ay kasunod ng pagkahuli din ng 1.5 tonelada ng cocaine noong Marso na siyang pinakamalaking pagkakumpiska sa loob ng 25 sa port of New York.