Bukod sa paggunita sa ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ay ipinagdiriwang din ngayon ang Philippine Veterans Week 2024 na pagbibigay-pugay din sa mga bayani ng Filipino veterans na matapang na nakipaglaban noong panahon ng World War 2.
Kaugnay nito ay 16 na mga natatanging Pinoy na nag-alay ng kanilang buhay noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig ang ginawaran ng parangal ng Department of National Defense at Philippine Veterans Affairs Office.
Sa pangunguna nila Philippine Veterans Affairs Office Administrator USec. Reynaldo Mapagu, at Defense Undersecretary for Civil, Veterans, at Reserve Affairs Pablo Lorenzo ay ginawaran ang mga ito ng United States Congressional Gold Cross Medal na ipinagkakaloob naman sa mga natatanging indibidwal na malaki ang naiambag sa kasaysayan, kultura, at siyensa sa Amerika.
Samantala, pito sa mga WW2 Filipino veterans ang nabubuhay pa habang ang siyam naman na iba pa ay pawang mga sumakabilang buhay na ay binigyan naman ng Post-Houmous Awards.