-- Advertisements --
Inanunsiyo ng kumpanyang Boeing na kanilang tatangalin ang nasa 16,000 nilang manggagawa dahil sa pagkalugi sa unang quarter ng taon bunsod ng coronavirus pandemic.
Ayon sa kumpanya na ang nasabing bilang ay nasa 10% ng kabuuang workforce ng kumpanya.
Sinabi naman ni Boeing CEO Dave Calhoun, na ang pandemic ay talagang nagdulot ng hindi maganda sa kanilang kumpanya.
Bumaba rin ang demand ng mga commercial airline travel dahil sa crisis.
Inalok din nila ang 70,000 na empleyado nila ng voluntary layoff package.
Inaasahan na ang nasabing pagtanggal ng mga empleyado ng kumpanya ay magtatagal ng hanggang katapusan ng taon.