Nakatakdang i-uwi ng pamahalaan ang nasa 162 distressed overseas Filipino workers sa Israel kasunod ng nararanasang kaguluhan duon.
Sa kanyang departure speech sa Villamor Airbase sa Pasay City bago magtungo ng Lao PDR inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkarating ng bansa ay kaagad hahatiran ng tulong ang mga pinoy na pangungunahan ng Dep’t of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
Sa sitwasyon naman sa Lebanon, nasa 1,500 OFWs ang nag-apply para sa repatriation at nasa 500 na umano ang nakauwi, habang pino-proseso na ang mga dokumento ng karagdagang 500 na mga Pinoy.
Sa ngayon pino proseso na ng OWWA ang chartered flight para sa mga Filipino repatriates.
Masaya namang ibinalita ni Pang Marcos na walang Pilipinong nasaktan sa panibagong mga pag-atake ng Hezbollah at Iran sa Israel, kasabay ng pagtitiyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat para sa kaligtasan ng mahigit apatnapung libong Pilipino sa Israel at Lebanon.
Inatasan ng Pangulo ang mga kalihim ng DFA, DMW, at OWAA na magsumite report sa kaniya araw-araw.