-- Advertisements --

Nakatanggap ng papuri ang mga Filipino crew mula sa mga pasahero ng Viking Sky cruises ship dahil umano sa tapang na ipinakita ng mga ito sa kabila ng takot at kaba na kanilang nararamdaman.

Tinatayang nasa 163 Filipino crews ang sakay ng Viking Sky cruise ship na nagkaaberya sa Norway.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs, ligtas umano ang lahat ng crew members ng nasabing cruise ship at tumulong pa ang mga ito sa pag-evacuate ng ibang pasahero.

Nagkaaberya ang Viking Sky cruise ship nang mawalan ito ng kuryente na naging sanhi ng paggewang nito sa dagat.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Viking Cruises director of operations Steward Coote sa ipinakitang katapangan ng mga Pinoy.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Oslo sa may-ari ng Viking Cruises at Norwegian Rescue Center.