-- Advertisements --
Umabot sa 164 katao ang napatay sa anti-government protest sa Kazakhstan.
Nahigitan nito ang dating bilang na nasawi na mayroong 44.
Mahigit 6,000 katao na rin ang inaresto dahil sa nasabing kilos prostesta.
Magugunitang nagsimula ang nasabing kilos protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Nagpadala na rin ng sundalo ang Russia para tumulong na mapahupa ang kaguluhan.