CENTRAL MINDANAO-Abot sa 165 na mga magsasaka ng palay mula sa iba’t-ibang barangay ng Kabacan Cotabato ang panibagong tumanggap ng insurance benefit mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Ayon kay Kabacan Municipal Agriculturist Tessie Nidoy, mahigit sa anim na raang libong piso ang kabuuang halaga ng tinanggap ng mga magsasaka mula sa mga barangay ng Bannawag, Buluan, Dagupan, Katidtuan, Kayaga, Magatos, Malamote, Lower at Upper Paatan, Poblacion, Pedtad at Salapungan.
Ang naturang mga benepisyaryo ay una nang nag-apply ng Insurance Coverage sa PCIC para sa kanilang mga palayan na una nang sinalanta ng peste at kalamidad, gaya ng pagbaha.
Umaasa naman si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman at Vice-Mayor Herlo Guzman Jr na ang halagang natanggap ng mga benepisyaryo ay makatutulong upang makarekober mula sa pagkakalugi dahil sa mga kalamidad.