-- Advertisements --
Umabot sa 1,669 metric tons na Melon ang inani ng mga magsasaka sa Taguig mula sa 66 hectares na plantasyon nito sa Laguna Lake Highway, Barangay Wawa, Taguig City.
Kahapon nga ay inorganisa ng Agricultural Office ng Taguig City government ang annual Melon festival para ipagdiwang ang magandang ani nito.
Para kay Taguig Mayor Lani Cayetano, masarap umanong isipin na kahit modern na ang panahon ay mayroon pa rin silang tradisyon na ganito.
Dagdag pa ni Cayetano, bahagi ito ng kasaysayan ng Taguig na hindi dapat malimutan.
Mahigit 60 na magsasaka ang lumahok sa festival at ibinida ang mga Melon na kanilang inani. Nagkaroon din ng sayawan at iba’t ibang performances.