Nasa isang linggo na ngayon na mababa pa sa 2,000 ang naitatala sa daily cases ng Department of Health (DOH) matapos na maitala ngayon ang panibagong 1,671 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa ngayon ang tinamaan ng virus mula taong 2020 ay nasa kabuuang 3,658,892 na.
Mayroon namang naitalang 1,586 na mga bagong gumaling.
Ang nakarekober ay umaabot naman sa 3,547,528 o katumbas ng 97.0%.
Meron namang nadagdag na 59 na mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 56,224.
Sa ngayon ang mga aktibong kaso sa bansa ay nasa 55,140.
Sinasabing bumaba pa sa 5.6% ang positivity rate na siyang pinaka-lowest mula December 27, 2021.
Samantala meron namang tatlong laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.