Aabot sa 1,677 sa kabuuang 2,302 ang nakapasa sa October 2021 Physician Licensure Exam.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) mayroong 72.85% ang passing rate ng mga kumuha ng pagsusulit.
Sa 1,677 na pumasa ay 1,664 sa mga ito ng first-timers habang 13 ang repeaters na.
Nakuha ng mag-aaral mula sa University of the Philippines ang dalawang unang puwesto.
Nanguna si Ian Gabriel Alparaque Juyad ng UP na mayroong 87.50% habang tabla naman sa pangalawang puwesto ang kapwa UP students nito na sina Kian Kenzo Ong Leal at Geremiah Edison Daniel Cosia Llanes na nakakuha ng 87.42% at limang UP Manila graduates naman nasa top 10.
Kinilala naman ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila bilang top performing school na mayroong 101 na pumasa sa 103 na kumuha ng pagsusulit na mayroong passing rate na 98.6% na sinundan ng UP Manila na mayroong 96.3% na mayroong 78 na pumasa sa 81 na nag-exam.