-- Advertisements --

Pumalo sa 168.84 tonelada ng election-related materials ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula Marso 1 hanggang Mayo 14.

Kabilang na rito ang 21,700 pieces o 23.42 toneladang election-related campaign materials na nakolekta ng mga dump trucks sa Metro Manila isang araw pagkatapos ng halalan.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, target nila ngayong linggo na matanggal ang mga election-related materials sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila gayundin ang mga nasa pampublikong paaralan.

Ito ay para bigyan daan na rin daw ang publiko na makapaghanda sa pagbubukas muli ng mga pasok sa susunod na buwan.

Bago ang halalan, 145 tonelada na ng election-related materials ang nakumpiska sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa ilalim ng Oplan Baklas operation.