Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 168 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito na ang pinakamababang bilang ng bagong COVID cases mula noong May 22, 2020.
Samantala, mayroon namang 372 na gumaling at 10 ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga nai-record sa bansa, 0.3% (9,384) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,541) na ang gumaling at 1.79% (50,794) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, apat na mga laboratoryo ang hindi operational noong December 19, 2021 habang mayroong 20 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng mga laboratoryong ito ay humigit kumulang 4.8% sa lahat ng samples na nasuri at 4.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.