CAUAYAN CITY – Umabot na sa 64 families o 169 individual sa pitong barangay sa coastal town ng Maconacon, Isabela ang inilikas sa mga evacuation center sa preemptive evacuation na ipinatupad ng pamahalaang lokal.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Marciano Dameg, head ng Disaster Risk Response Division ng DSWD region 2 na ito pa lamang ang impormasyon na nakarating sa kanila hinggil sa mga isinagawang preemptive evacuation sa region 2.
May Quick Response Fund (QRF) aniya ng DSWD region 2 para sa pambili ng family food packs.
Mayroon na ring nakahanda na mahigit 21,000 na family food pack na augmentation kung kailangan ng mga LGU’s ang suporta.
Bukod dito ay mayroon ding mga non-food items tulad ng family kit, sleeping kit, hygiene kit, sanitary kit, family tentat modular tent na para sa 9, 240 na pamilya at may halagang 12 million pesos.
Ang kanilang Social Welfare Action Team (SWAT) lalo na sa Cagayan at Batanes ay nakamonitor na sa pagtama ng bagyong Kiko para agad na matulungan ang mga maaapektuhang pamilya.