Aabot sa 169 na kabahayan ang nilamon ng dalawang magkakaibang sunog sa Cebu.
Unang natala ang sunog na naganap sa Mananga 1, Purok Florentino, Barangay Tabunok, lungsod sa Talisay kung saan aabot sa 51 kabahayan ang natupok ng apoy at naka-apekto sa 57 pamilya.
Samantala, kagabi isang sunog naman ang gumising sa mga residente ng Sitio Tugas , Barangay Mambaling .
Sa nasabing sunog 108 kabahayan ang tinupok ng apoy na naka-apekto sa 100 pamilya.
Agad namang dinala ang mga apektadong indibidwal sa kani-kanilang mga covered court upang bigyan ng agarang tulong.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cebu News Team kay Barangay Mambaling Captain Gines Abellana sinabi nito na agad niyang inihanda ang kanilang gymnasium upang ma-accomodate ang mga biktima ng sunog.
Tanging kape at tinapay muna ang kanilang ibinigay sa nasabing mga indibidwal habang ginagawa pa ng DSWS ang assessment.
Dagdag pa ni Abellana na hindi pa nila alam kung anong karagdagang tulong ang maibibigay sa mga biktima pero sigurado ito na may mga darating na tulong mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
Aabot sa P1,991,250 ang naging danyos ng dalawang sunog.