Panibagong 1,690 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala sa nakalipas na 24 oras ng Department of Health (DOH).
Dahil dito nasa 538,995 na ang kabuuang mga kaso ng COVID sa bansa mula noong nakalipas na taon.
Samantala mayroon namang naitalang 23 na bagong gumaling kaya ang kabuuang nakarekober na sa bansa ay nasa 92.7% o 499,772 na.
Meron namang panibagong 52 na namatay bunsod pa rin sa deadly virus o sa kabuuan nasa 2.08% o katumbas ng 11,231 ang mga pumanaw sa buong Pilipinas.
Sa kabuuang bilang naman ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% o nasa 27,992 ang mga aktibong kaso.
Nilinaw ng DOH na sa 46 na cases na nasa dating inilagay sa recovered, natukoy ang mga ito na namatay matapos ang ginawang final validation.
Umabot naman sa limang laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga latest data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) ng DOH.