-- Advertisements --

Pasok na sa Top 12 ng “American Idol” ang Filipino-Canadian na si Tyson Venegas.
Napahanga kasi nito ang mga judges sa pagkanta niya ng “Don’t Let The Sun Go Down On Me” ni Elton John.

Kasama niyang nakapasok sa Top 12 sina We Ani, Warren Peay, Haven Madison, Colin Stough, Marybeth Byrd, Oliver Steele, Iam Tongi, Zachariah Smith, Megan Danielle, Lucy Love, at Nutsa Buzaladze.

Sa social media ni Venegas ay pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans dahil sa pagsuporta.

Bago ang pagpasok sa Top 12 ay nakakuha ang 17-anyos na singer ng standing ovation mula sa mga judges na sina Lionel Richie, Katy Perry at Luke Bryan.

Ilan sa mga contest na sinalihan na nito ay ang “The Voice Teens” noong 2020 k ung saan kinanta rito ang original song niya na “180”.