-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur ang isang biyudong coco farmer matapos nitong kinunsumo ang sariling 17-anyos na dalagitang anak.
Sinasabing hindi na natiis ng biktimang si alyas Ana, Grade 11, ang apat na buwan ng panggagahasa ng kanyang ama kung kaya’t nagsumbong na ito sa kanyang guro na sya namang nagsumbong sa pulisya.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ng La Paz Municipal Police Station, na nagsimula ang paggalaw ng kanyang ama sa kanya nitong Abril lang hanggang sa buwan ng Hulyo.