CAUAYAN CITY – Nakatakda nang ilipat sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang binatilyong pumatay sa head teacher ng Dona Aurora National Highschool noong ika-14 ng Enero ng taong kasalukuyan
Ito ay matapos na mag labas ng rekomendasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil napatunayang nasa wastong kamalayan na ito ng isagawa niya ang krimen.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni Pol Capt. Villamor Andaya, hepe ng Aurora Police Station, na kasalukuyan ang court mitigation sa kaso ng 17-anyos na na salarin sa pagpatay sa gurong si Bobby Galiza.
Matatandaang natagpuang wala ng buhay si Galiza sa labas ng kanilang bahay na may tama ng saksak sa katawan.
Unang inamin ng suspect ang pagtungo nito sabahay ng biktima upang pagnakawan.
Napagalaman na mahilig manuod ng crime and investigation series ang suspect na nakapatay sa head teacher ng kanilang eskwelahan sa Aurora, Isabela.