-- Advertisements --

VIGAN CITY – Wala nang buhay ang isang lalaki nang makita ng kanyang ina sa loob ng kaniyang kwarto sa Brgy. Pung-ol, Vigan City, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan sa ina ng biktimang 17-anyos, sinabi nito na wala umano siyang makitang rason kung bakit nagawang magpakamatay ng kaniyang anak sa pamamagitan ng pagbigti nito.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng biktima ngunit posibleng mayroon itong mabigat na pinagdadaanan na hindi niya masabi sa kaniyang mga magulang.