Sa kulungan ang bagsak ng isang 17 anyos na lalaki matapos masabat ang P13.6M na halaga ng shabu sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga otoridad kahapon, Setyembre 6, sa Sitio Aroma, Brgy. Subangdaku, Mandaue City, Cebu.
Nakumpiska ng mga operatiba mula sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang dalawang kilo na nagkakahalaga ng P13.6M.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-7 na ang naaresong suspek mula sa Ubay Bohol ay itinuturing na newly-identified drug personality.
Nakatanggap pa sila ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ng binatilyo kaya isinailalim ito sa tatlong linggong case build up bago ikinasa ang operasyon.
Makapagdispose din ito ng isang kilo ng ilegal na droga kada linggo.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.