-- Advertisements --
Muling pinatunayan ng 17-anyos na Australian sprinter na si Gout Gout na siya pa rin ang pinakamabilis na 200 meter runner.
Sa pagsabak nito sa Queensland State Championship ay nagtala ito ng 20.05 seconds na pagtakbo.
Ang nasabing oras ay mas mabagal pa ng 0.01 segundo.
Sa final ay siya ang tinanghal bilang kauna-unaang Australian na nakabasag ng 20 second barrier sa panalo nito na 19.98 segundo.
Sinabi nito na hindi siya makapaniwala na makakapagtala ito ng record sa kanilang bansa.
Nitong Sabado ay nagwagi na rin ito sa under-20 100 meter title sa Queensland State Championship na mayroong 10.38 segundo.
Susunod na pagsabak nito ay sa Maurie Plant Meet sa Melbourne sa darating na Marso 29.