-- Advertisements --
image 316

Hawak na ng mga awtoridad sa Kuwait ang 17 anyos na suspek sa pagpatay sa Pinay na domestic worker na si Jullebe Ranara.

Maalala na noong araw ng linggo, natagpuan ang sunog na katawan ni Jullebee sa isang disyerto na huling nakontak ng kaniyang pamilya gabi noong Biyernes.

Ibinunyag ng ina ng OFW na nirereklamo ni Jullebee ang anak ng kaniyang employer na lalaki na siyang malupit sa kaniya ay minsan ng pinagbantaan ang kaniyang buhay.

Sinabi naman ni Ople na tinitignan na ng pamahalaan ang magiging liability ng menor de edad na suspek .

Samantala, inihayag din ni Ople na magbibigay ang pamahalaan ng death at burial assistance, mandatoryong insurance at scholarships sa naulilang apat na anak ng nasawing OFW.

Iginiit naman ni Ople na sa kabila ng nangyaring trahedya, hindi aniya kailangang magpatupad ng deployment ban dahil patuloy ang pakikipagtulungan ng gobyerno ng Kuwait sa embahada ng Pilipinas.

Sa halip ay dapat aniyang pag-usapan ang posibleng gawing mga reporma at bilateral labor agreements.