KALIBO, Aklan— Sinampahan ng kasong Rape with Homecide ang 17-anyos na chatmate at huling kasama ng 13-anyos na dalagita na siyang salarin sa panggahasa at pagpatay sa kaniya na nakita na lamang ang mga labi nito sa gilid ng sapa noong Enero 17, 2025 sa Barangay Unidos, sa bayan ng Nabas, Aklan.
Positibong kinumpirma ni P/Maj. Jose Mark Anthony Gesulga, hepe ng Nabas Municipal Police Station na ang nasabing binata ang itinuro ng mahigit sa sampung testigo na nagpalakas sa kaso laban sa kaniya.
Sa kabila nito, patuloy pa rin na umaapela ang pulisya sa mga indibidwal na may nalalaman sa krimen na hindi magdalawang isip na dumulog sa kanilang tanggapan upang tuluyang ma-convict ang suspek.
Kung maalala, nakita na lamang ng mga kaanak nito ang biktima na nakadapa sa gilid ng sapa, may sugat sa ulo, pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at wala nang saplot pang-iababa na kaalaunan sa autopsy report ay positibong ginahasa ang dalagita bago ang karumal-dumal na pagpaslang sa kaniya.