-- Advertisements --
TACOBAN CITY – Aabot sa 17 pamilya ang nanatili ngayon sa evacuation center matapos na matupok ng apoy ang kanilang bahay sa lungsod ng Calbayog sa Samar.
Ayon kay Rolando Saplad, Assistant CDRRMO Officer ng Calbayog City, na aabot sa 17 mga kabahayan ang natupok sa nangyaring sunog sa naturang lugar.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP- Calbayog) sa kung ano ang naging dahilan ng naturang sunog.
Kaagad naman na nagbigay ng tulong pinansyal ang LGU ng naturang lugar para sa mga pamilya na nawalan ng kabahayan
Samantala wala naman naitalang sugatan o casualty sa naturang insidente.