-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 26 pamilya ang apektado nang pananalasa ng Ipo-ipo sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.

Ayon kay Parang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Officer Nora Mamariong na bumuhos ang ulan at sinabayan pa ng malakas na hangin ang bahagi ng Barangay Tagudtungan Bongo Island Parang Maguindanao Del Norte.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay biglang nanalasa ang Ipo-ipo at sinira ng mala-bagyong hangin ang 17 kabahayan.

Wala namang nasaktan sa mga residente dahil agad silang nakapagtago sa ligtas na lugar.

Nagkasira-sira ang mga bahay sa Brgy Tagudtungan nang tamaan ng mga natumbang niyog,kahoy at iba pa.

Agad namang namahagi ng tulong ang LGU-Parang sa pamumuno ni Mayor Cahar Ibay at si Vice-Governor Bai Ainee Sinsuat sa mga residente na sinalanta ng Ipo-ipo katuwang si LMP President Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat.