CENTRAL MINDANAO -Umakyat na sa 17 ang nasawi sa mga myembro sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) isa sa militar sa nagpapatuloy na surgical strike ng Joint Task Force Central sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao.
Nakilala ang ilan sa mga nasawing rebelde na sina Abdul Mosaiden, Mohammad Sakar, Hamid Ekal, Maula Samad, Esmail Kagui Malang, Muner Akbal ,Musanep Kabelan, Oman Saidol , Monir Andok, RasibTaleng,Usman Kasim habang anim ay hindi pa tukoy ang pagkakilanlan.
Patay naman si Sgt Ahmad Mahmood ng 601st Brigade na tinamaan ng sniper ng BIFF.
Karamihan sa mga nasawi at nasugatan sa BIFF ay tinamaan ng airstrike ng Philippine Air Force at mga bala ng 105 mm Howitzers Cannon mula sa Field Artillery Battalion ng Philippine Army.
Target ng militar ang tatlong paksyon ng BIFF sa pamumuno nina Kumander Karialan,Kumander Bungos at Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.
Anim rin na mga dayuhang terorista ang kinakanlong ng BIFF at palipat-lipat sa SPMS Box at Liguasan Delta sa Maguindanao.
Sinasanay ng mga Foreign Terrorist ang BIFF sa paggawa ng armas,bala,mga bomba at suicide bombing.
Lomobo na rin sa mahigit tatlong daang pamilya ang lumikas sa takot na maipit sa gulo.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng militar ang pagtugis sa BIFF at mga dayuhang terorista sa Maguindanao at North Cotabato.