-- Advertisements --

LA UNION – Nakauwi na sa Agoo, La Union ang 17 construction workers na na-stranded sa Cabuyao, Laguna dahil sa ipinatupad na community quarantine bunsod ng COVID 19 pandemic.

Nakauwi ang mga ito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Agoo at city government ng Cabuyao, Laguna.

Bilang pagtalima sa mga ipinapatupad na health protocols at precautionary measures laban sa sakit na COVID 19, isinailalim ang mga ito sa sanitasyon at check-up.

Pagkatapos nito, agad silang dinala sa Ligtas Covid 19 Quarantine Facility sa nasabi ding bayan para sa 14 days quarantine at pagkuha ng swab test.

Maliban sa nasabing bilang, may tatlo pang trabahador ang nakauwi na rin sa kanilang lugar sa Rosario at Sto. Tomas La Union.